Nanumpa si Vice President Sara Z. Duterte bilang pinakabagong kasapi ng Lady Eagles Club of Davao Prime Builders Tagatugon Eagles Club ng Davao Region ngayong Biyernes, Pebrero 24, sa Apo View Hotel, Davao City.
Pinasalamatan ng Bise Presidente ang Fraternal Order of Eagles— isang socio-civic organization ng Pilipinas dahil naging katuwang aniya ito nila sa serbisyo para sa mga Pilipino lalong-lalo na sa panahon ng kalamidad.
Nagbigay din ng mensahe si VP Sara kung saan ipinaabot niya ang kaniyang paghanga sa pagtulong ng nasabing organisasyon.
“It’s admirable how you so willingly pooled your resources to respond to certain issues and basic problems besetting underprivileged Filipinos like hunger and child malnutrition, poverty alleviation, homelessness, disaster preparedness and resiliency, and even peace and order.” ani Duterte.