-- Advertisements --
SARA

Ginunita ni Vice President Sara Duterte ang kagitingan ng mga sundalo sa pagpapaniguro ng kaligtasan ng bansa at ng bawat Pilipino.
Isa sa ng Bagong Anyo ng Buhay (Banyuhay) Class of 2002 o Banyuhay na nagbuwis ng buhay para sa bayan ay si Major Jericho Mangalus.
Kasamang namatay ni Maj. Mangalus si Corporal Bryan Libot sa isang ambush sa kasagsagan ng Marawi Siege noong 2017.

Ang kabayanihan aniya ni Mangalus at ng iba pang mga sundalong nagtanggol sa kalayaan ay hindi malilimutan.
Samantala, kasama naman ni VP Sara na sumapi sa Banyuhay Class of 2002 sina Philippine Long Distance Telephone Company Executive Leo Gonzales at Senator Robin Padilla.