Nilinaw ni Vice President Sara Duterte na hindi humingi ng asylum sa China ang kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaan na kapwa nagtungo ang dating Pangulong Duterte at si VP Sara sa Hong Kong para sa campaign rally ng Partido Demokratiko Pilipino Senatorial slate na dinaluhan ng mga overseas Filipino workers.
Inihayag din ng Bise Presidente na walang nakausap na sinumang Chinese official ang kaniyang ama noong nasa HK ito.
Ginawa ni VP Sara ang paglilinaw na ito sa gitna ng mga spekulasyon na ang biyahe ng kaniyang ama sa HK ay para humingi ng asylum sa China sa gitna ng noo’y rumors pa lang na naglabas na ng arrest warrant ang International Criminal Court laban sa dating Pangulo.
Ipinunto din ni VP Sara na ang pag-aresto sa kaniyang ama ay politically motivated at lahat ng ito ay may kinalaman sa 2028 elections.