-- Advertisements --

Agad nilinaw ni Vice President Sara Duterte na nagkataon lamang at hindi sinadyang umalis ng kanilang pamilya sa kasagsagan ng bagyo at habagat.

Ayon sa bise presidente, dati na itong naitakda bago pa ang pagbahang epekto ng sama ng panahon.

Katunayan, may travel authority umano siya na inilabas ng Office of the President noong Hulyo 9, 2024.

Tiniyak din nitong kahit wala siya sa bansa, kumikilos pa rin ang kaniyang tanggapan para matulungan ang mga apektado ng kalamidad.

“The timing of the trip coinciding with Typhoon Carina is unfortunate. Nonetheless, the Disaster Operations Center of the OVP, institutionalized by the Vice President, is always ready to assist families affected by calamities.”

Nagpasalamat naman ito sa publiko dahil sa pagrespeto sa kaniyang privacy at sa mga miyembro ng kanilang pamilya.