-- Advertisements --

Tinukoy ni Vice President Sara Duterte kung ano ang nag-udyok sa kaniya para seryosong ikonsidera na tumakbo sa 2028 presidential elections.

Sa isang pahayag nitong weekend, sinabi ng Bise Presidente na napag-iiwanan na ang Pilipinas ng mga bansa sa Southeast Asia at ng nalalabi pa sa buong mundo.

Nagpatibay naman ito sa naunang pahayag ni VP Sara noong nakaraang buwan nang magtungo siya sa Japan at nakipagkita sa mga OFW na nagtratrabaho at naninirahan doon.

Ayon kay VP Sara, nang tanungin siya kung tatakbo siya sa 2028 kaniyang sinabi na seryoso niyang ikinokonsiderang tumakbo sa susunod na presidential elections.

Aniya, hindi na niya matiis pa ang kalagayan ng bansa at inihayag na maraming kailangang itama at repasuhin para maging world-class ang PH.

Saad pa ng Ikalawang Pangulo, kailangang maging competitive ng PH sa mga karatig na bansa sa rehiyon at sa nalalabi pang bansa sa mundo.