Pinangunahan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang payout ng Department of Social Welfare and Development ng cash aid sa mga pamilyang apektado ng Mayon sa lalawigan ng Albay.
Ang naturang payout ay sa pamamagitan ng Emergency Cash Transfer ng Department of Social Welfare and Development.
Pinili ng mga naturang pamilya na hindi manatili sa loob ng evacuation center dahil sa patuloy na paghahanapbuhay ng mga ito sa loob ng permanent danger zones.
Kaya naman naglabas ang Department of Social Welfare and Development Bicol Regional Office ng kabuuang Php 9,987,300 sa 405 benepisyaryo ng Emergency Cash Transfer sa mga munisipalidad ng Daraga, Sto. Domingo, Camalig, at Tabaco City. Nakatanggap ang bawat pamilya ng Php 24,660.00, na katumbas ng dalawang (2) tranches ng tulong pinansyal.