Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte sa inilabas nitong bulletin na pinayagan siya ng kaniyang Chief of Staff na si Atty. Zuleika Lopez na maka uwi muna at makita ang kaniyang mga anak.
Sinabi ni VP Sara na ang papalit sa kaniya para magbantay ay si Senator Bong Go.
Dagdag pa ng pangalawang pangulo babalik siya mamayang gabi sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).
Kasalukuyang naka confine sa VMMC si Lopez matapos himatayin at nagkaroon ng panic attack.
Kung maalala sinabi ng PNP doctor na maayos ang kondisyon Lopez dahil normal ang kaniyang mga vital signs.
Samantala s panayam naman kay Senator Ronald Dela Rosa kaniyang sinabi na ang kasalukuyang kondisyon ni Atty Lopez ay “traumatized” dahil paglipat ng kaniyang detention facility.
Ayon kay Dela Rosa natatakot si Lopez na ilipat siya sa Women’s Correctional sa Mandaluyong City dahilan na binantayan nila ni Sen. Bong Go.