-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Iminungkahi ng dating miyembro ng defense panel ng impeachment trial ni late Supreme Court chief Justice Renato Corona na mas nakabubuti kay Vice President Sara Duterte na hindi sisipot sa Senado habang isagawa ang pagdinig ng mga akusasyon laban sa kanya.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Atty. Tranquil Salvador III, remedial law expert na mas mainam kung manood lang si VP Sara na wala sa impeachment court upang makapag-isip sa mga susunod na hakbang patungkol sa gagawin na pag-usig ng House panel of prosecutors.

Sinabi ni Salvador na hangga’t hindi kinakailangan ang presensya ng bise-presidentee sa trial proper ay mas pabor sa kanya na iwasan na lang muna ang pagpunta para manood ng aktuwal sa mga umuusig sa kanya.

Una nang binanggit ni VP Sara sa isang pulong balitaan ng Office the Vice President na mas pipilion nito na hindi magdulot ng anumang pagkatakot ang prosekusyon dahil matindi ang maramdamang kaba kapag uusad na ang impeachment trial.

Magugunitang sa pirmado ng mayoriya ng mga kongresista na pang-apat na impeachment complaint, pitong mabibigat na akusasyon ang dapat harapin at malusutan ni VP Sara upang hindi ito maalis sa kanyang katungkulan.

Napag-alaman na tatangkain ng Senado na mabuo ang impeachment court at mga patakaran nito para masimulan na ang trial proper sa mas madaling panahon.
Bombo CDO