-- Advertisements --

Pinuri ni Vice President Sara Duterte ang dedikasyon at serbisyo ng mga frontliner na nagsilbi sa ating bansa habang nagsasaya ang iba sa pagdiriwang ng Christmas festivities.

Nagbigay pugay din si VP Sara sa lahat ng frontliners, mga sundalo, kapulisan, mga bumbero, doktor, nurse at iba pang health workers, disaster response personnel at lahat ng first respondents kabilang ang mga emergency personnel at quick response teams at ang mga nagdiriwang ng Pasko na malayo sa kanilang pamilya.

Binigyang diin din ni Bise Presidente na hindi man napapansin ang kanilang mga sakripisyo ay nagdudulot ito ng karangalan sa kanilang pamilya.

Simbolo din ang kanilang serbisyo sa bayan ng kanilang pagmamahal para sa bansa at sa kanilang kapwa Pilipino.

Pinaalalahanan din ni VP Sara ang mga ito na mag-ingat habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Sa hiwalay naman na mensahe, pinasalamatan at pinuri din ni VP Sara ang mga overseas Filipinos na naninirahan at nagtratrabaho sa iba’t ibang panig ng mundo at tiniyak din ang kaniyang suporta para sa mga itinuturing na mga bagong bayani.