-- Advertisements --

Malabo umanong mangyari ang alyansa sa pagitan nina VP Sara Duterte at dating VP Leni Robredo.

Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Atty Barry Gutierrez, malaki ang pagkakaiba sa prinsipyo nina Robredo at Duterte at malabong mapagkaisa ang dalawa dahil sa magkaibang paninindigan.

Inihalimbawa ni Gutierrez ang naunang pahayag ni VP Leni na ang mga alyansa ay nakabase sa prinsipyo.

Dahil sa malinaw aniya ang pagkakaiba ng prinsipyo sa pagitan ng dalawa, siguradong hindi magkakaroon ng alyansa.

Una nang sinabi ni Gutierrez na ang pagtanggap ni Robredo kay Duterte ay bilang pagpapakita ng kagandahang-loob sa kanya.

Ayon kay Gutierrez, hindi nila tinalakay ang pulitika bagkus ay umikot lamang sa mga personal na paksa ang naging pag-uusap.