-- Advertisements --

Sinabi ni Vice President Sara Duterte na maaaring may iba pang miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) na posibleng sumali sa planong senatorial slate ng kanyang ama at ng dalawa pa niyang kapatid.

Sinabi niya na si dating pangulong Rodrigo Duterte, gayundin ang kanyang mga kapatid na sina Paolo at Sebastian, ay naghahanda na ngayon para sa senatorial elections sa susunod na taon.

Gayunpaman, hindi binanggit ni VP Sara ang mga pangalan ng mga posibleng sumali sa slate.

Dagdag pa, nang matanong si VP Sara kung siya na ang lider ng oposisyon kasunod ng kanyang pagbibitiw bilang miyembro ng gabinete ng Marcos administration, aniya sa kanyang pagkatao at prinsipyo, hindi raw siya gumagalaw para sa administrasyon o oposisyon sa halip 

 kung ano ang makatutulong sa taumbayan. 

Nauna nang sinabi ng bise presidente na si Baste ay tatakbo sa pagkapangulo sa 2028, habang pinayuhan siya ng kanyang ina na tumakbong muli bilang Davao City mayor.