-- Advertisements --
image 316

Sa kabila ng pagtanggap ng pinakamataas na allocation budget mula sa Gobyerno, iginiit ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na ang halos P900 bilyong budget ng Department of Education (DepEd) para sa taong ito ay hindi sapat para makamit ang “MATATAG Agenda” nito.

Aniya, ang mga alokasyong ito ng national budget para sa basic education ay hindi sapat para masakop ang lahat ng mga requirements na kinakailangan sa pagkamit ng MATATAG Agenda.

Matatandaan na noong Enero, inilunsad ng Department of Education ang MATATAG Agenda nito, kung saan layunin nito ang pagkuha ng mas maraming guro at ang pagtatayo ng mas maraming silid-aralan na may mas makabagong solusyon gaya ng paggamit ng modernong teknolohiya upang matugunan ang mga kinakaharap na problema sa basic education.

Layunin din ng naturang agenda na magbigay ng tulong teknikal para mapabuti ang procurement process ng ahensya sa pamamagitan ng patuloy na capacity-building at digitalization.

Kaya naman nanawagan si Duterte sa mga education partners at stakeholders na tumulong sa pagbabago ng 28 milyong Filipino learners para sa mas mabuting mamamayan.