-- Advertisements --

Diretsong inihayag ni Vice President Sara Duterte na “never again” na makipag tandem siya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Pahayag ito ng pangalawang Pangulo  matapos matanong kung may tiyansa pa na magka tandem sila ng Punong Ehekutibo.

Hindi naman pinaliwanang ni VP Sara kung bakit nasabi niya na “never again” na maka sama uli si Pang. Marcos.

Kung maalala nagsanib pwersa sina Pang. Marcos at VP Sara nuong nakaraang 2022 Presidential elections sa ilalim na Unity Team.

Sa unang dalawang taon naging maganda ang relasyon ng dalawa subalit pagpasok ng ikatlong taon ay unti-unti ng nagkakalamat hanggang sa nuong buwan ng Hunyo ay nagbitiw sa pwesto bilang DepEd Secretary si VP Sara.

Inihayag din ng Pangalawang Pangulo na hindi sila magka-ibigan ng Pang. Marcos nagkakilala lamang sila nuong kasagsagan na ng kampanya kaya hindi niya ito kilala.

Aniya ang kaniyang kaibigan ay si Senator Imee Marcos.

Sinabi ni VP Sara na huli silang nagkausap ni Pang. Marcos nuong magtungo siya sa Malakanyang at ibigay ang kaniyang resignation bilang kalihim ng Department of Education (DepED).