Hindi rin palalampasin ni Vice President Sara Duterte ang ginagawa umano sa kaniya at sa mga OVP personnel hinggil sa nagpapatuloy na pagdinig ng House Blue Ribbon Committee kaugnay sa P612 million confidential funds.
Pahayag ito ni VP Sara kasunod sa naging pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na sinabing papalagan nito ang banta sa kaniya ng pangalawang pangulo.
Sa isang panayam sinabi ni VP Sara na kaniyan munang basahin ang pahayag ni PBBM at saka maghahanda sila ng sagot.
Kasabay nito tahasang sinabi din ni VP Sara sa interview na pumalag din ang buong bayan ng patayin umano ng pamilya marcos si dating senator Ninoy Aquino.
Sa kabilang dako, nakahanda si VP Sara na humarap sa NBI na nakatakdang maglabas ng subpoena hinggil sa naging banta nito kay PBBM, FL Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
Giit ni VP Sara dapat sagutin din ang kaniyang mga tanong.
Inihayag din nito na hindi siya umaasa na magkaroon ng fairness sa gobyerno.
Tinukoy nito ang pag admit sa hospital ng kaniyang chief of staff na si Atty Zuleika Lopez na biglang na discharge kaya saan umano ang hustisya dito.
Dagdag pa ni Duterte na bakit nila pinaparusahan si Lopez at bakit hindi ang pangulo ng bansa ang appointing authority ang tanungin.