-- Advertisements --

Sinagot ni Vice President Sara Duterte ang mga pahayag ni presidential son at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos tungkol sa paghuhukay ng mga labi ni dating Pangulo Ferdinand Marcos Sr. at ang pagtatapon ng mga labi nito sa West Philippine Sea.

Ani ng Pangalawang Pangulo, natural na reaksyon ng bawat anak na protektahan at depensahan ang mga magulang nila.

Dagdag pa ng opisyal, siya lang daw ang anak na hindi ipinagtatanggol ang kaniyang magulang.

Kasunod nito ay kinumpara naman ng pangalawang pangulo ang sitwasyon kung sa kaniya umano ito nangyari.

Kung siya umano ang nasa sitwasyon, ganoon din aniya ang gagawin ng kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil natural na reponse umano ng mga magulang ang protektahan ang kanilang anak.

Binigyang diin din ng Bise Presidente ang mga naging reaksyon ng ama sa mga isyung kinaharap niya na ngayon niya lamang isiniwalat sa publiko. (report by Bombo Bea)