-- Advertisements --
image 281

‘No comment’ si Vice President at Education Secretary Sara Duterte hinggil sa pagbasura ng International Criminal Court (ICC) sa apela ng Pilipinas na itigil ang imbestigasyon ng kontrobersyal na war on drugs campaign na ikinasa ng kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Tuloy pa rin ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) Appeals Chamber sa anti-drug war. Mayorya sa appeals chamber ang pumabor at nais na ibasura ang apela ng Pilipinas.

Ayon kay Vice President Sara Duterte. ‘no comment’ siya sa naging desisyon na ito ng ICC o International Criminal Court.

Matatandaan na sinuspinde ng naturang criminal court ang imbestigasyon sa drug war noong Nobyembre 2019 matapos mag prisinta ang gobyerno ng Pilipinas na magsasagawa ito ng sariling imbestigasyon sa libo-libong namatay sa mga operasyon kontra iligal na droga.

Iginiit din ng Pilipinas na walang hurisdiksyon ang International Criminal Court dahil 2019 pa kumalas ang bansa.

Pero matapos hindi makapagbigay ng sapat na imbestigasyon ang bansa, itinakda ng International Criminal Court pre-trial chamber na ituloy ang kanilang imbestigasyon.