-- Advertisements --

Tiniyak ni VP at Education Secretary Sara Duterte sa stakeholders na hindi maaapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante sa pampublikong paaralan sa unti-unting pagbabalik ng dating school calendar.

Ayon kay VP Sara, mayroon ng ginagawang malawakang konsultasyon bago pa man ianunsiyo ang pinaikling break para sa kasalukuyang school year.

Ipinaliwanag pa ng Bise Presidente na bagamat pinaikli ang araw ng pasok ng mga mag-aaral at hindi na 2 buwan ang break ng mga ito bago magsimula ang school year 2024-2025, minimal lamang ang aniya ang diperensiya nito.

Sa kasaukuyang school calendar, sa May 31, 2024 matatapos ang SY 2023-2024. Habang ang break ng mga estudyante ay mula June 1 hanggang July 26, 2024.

Ang pagsisimula naman ng SY 2024-2025 ay itinakda sa Hulyo 29 at magtatapos sa Mayo 16, 2025.

Inaasahan ng DepEd na base sa kasalukuyang adjustments sa school calendar, magtatagal pa hanggang SY 2027-2028 para magtapos ang school year sa Marso. Posible namang ang pagbubukas ng klase para sa SY 2028-2029 ay maitakda na sa June 5, 2028.

Top