Umaasa si Vice President Sara Duterte na mabibigyan din ng pagkakataon balang araw ang mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender, queer (LGBTQ) community para mapakasalan ang kanilang partners at mabigyan ng proteksiyon sa ilalim ng batas.
Ginawa ng Bise-Presidente ang naturang mensahe kasabay ng pagdiriwang ng Valentine’s day ngayong araw na nagsilbing guest speaker sa ika-62 free mass wedding na inisponsor ng Parañaque City local government at nagpaabot ng pagbati sa 64 na bagong kasal.
Ibinunyag din ni VP Sara na natalakay na niya ang naturang proposed LGBTQ+ protection kay Senator Robin Padilla.
Ipinunto ni VP Sara na kinikilala na ngayon ng lipunan ang maraming genders o kasarian kayat umaasa ito na ang mga miyembro ng LGBTQ+ community ay mabibigyan din ng legal protection.