-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Nilinaw ni political analyst Atty. James Reserva na walang criminal liability na kakaharapin si Vice President Sara Duterte matapos niyang inihayag na may na-contact na siyang tao upang patayin sina Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Atty. Reserva, malinaw na inihayag ni VP Sara na mangyayari lamang ito kung mamamatay siya.
Karapatin din umano ng Malakanyang na seseryusuhin nila ito bilang banta sa buhay at depende na rin sa administrasyon kung dahil dito’y maghinay-hinay na sila sa kanilang ginawang pang-iipit hindi lang kay VP Sara kundi pati na sa buong pamilya Duterte na malinaw na banta sa kanilang political career.