-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Sugatan ang isang vulcanizer sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Dodong Pancho na residente ng Barangay Poblacion Pikit Cotabato.
Ayon kay Pikit Chief of Police Lieutenant Colonel John Miridel Calinga na binaril ang biktima ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola malapit lang sa kanyang bahay.
Agad namang tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo na walang plaka.
Mabilis na naisugod ang biktima sa Cruzado Medical Hospital sa bayan ng Pikit at nasa ligtas ng kalagayan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit PNP sa pamamaril sa biktima.