-- Advertisements --

Iginitt ng isang health expert na dapat isaalang-alang ng gobyerno sa lalong madaling panahon ang pag-target sa mga mahihinang populasyon na dapat unahin sa pagtanggap ng mga bakuna sa COVID-19 bivalent upang maiwasan ang pag-aaksaya nito.

Ginawa ng health professional Dr. Rontgene Solante ang komento nang tanungin kung ano ang maaaring gawin upang matiyak na ang mga bakunang ito na naka-target laban sa variant ng Omicron at ang orihinal na strain ng COVID-19 ay hindi masisira, tulad ng nangyari sa 50 milyong dosis na nag-expire noong Marso.

Aniya, mahalaga na makita at masuri kung maganda pa rin ang pagtanggap ng mga bakuna, sa gitna pa rin ng COVID-19 na kung saan aniya, kung halimbawa, mababa ang rate ng pagbabakuna, kailangan itong i-recalibrate.

Dumating na kasi dito sa Pilipinas ang unang batch ng bivalent jabs at ito ay higit sa 390,000 na mga dosis na naibigay ng Lithuania.

Sa kasalukuyan, tanging ang mga nasa hustong gulang na kabilang sa mga kategorya ng A1 (healthcare workers) at A2 (mga senior citizen) ang pinapayagang makatanggap ng Pfizer bivalent vaccine bilang ikatlong booster dose.

Una na nang sinabi ng DOH, na ang inoculation para sa iba pang mga grupo ng populasyon, ay bubuksan sa mga susunod na yugto, depende sa pagkakaroon ng mga stock at posibleng mga technical na pagbabago.