Hindi muna naglaro kanina sa bago niyang team ang Filipino-American player na si Jordan Clarkson sa Cleveland Cavaliers.
Bagamat kasama na sa biyahe ng team sa Atlanta si Clarkson at ang tatlo pang nakuhang players ng Cavs, nanatili muna sila sa locker room kung saan nanalo sina LeBron James laban sa Atlanta Hawks, 123-107.
Buwena manong makakaharap ni Clarkson sa Lunes ang Boston Celtics mula ng makuha siya ng Cavs (32-22) sa Lakers.
Ayon sa coach ng Cleveland, puspusan ang gagawin nilang review sa kanilang mga plays upang makabisado nina Jordan at mga bago ring lipat na sina George Hill, Larry Nance Jr. at Rodney Hood.
Samantala sa ibang game, swerte naman ang unang laro ni Dwayne Wade sa kanyang pagbabalik sa Miami Heat.
Nagsilbing pampabuwenas si Wade dahil nakabangon ang team mula sa limang sunod-sunod na talo.
Nagawang itumba ng Heat (30-26) ang Milwaukee Bucks (30-24) sa score na 91-85.
Kung maaalala si Wade ay pinakawalan ng Cavs sa trade patungo sa Miami.
“I would love to go 6 for 6, but I was just trying to get used to everything so I wasn’t worried about that,” wika pa ni Wade said. “I was worried about getting the win.
Binigyan naman ng standing ovation si Wade ng mga fans sa una niyang game sa homecourt.
Maging ang head coach ng Miami ang Filipino-American na si Erik Spoelstra ay labis ang katuwaan sa pagbabalik ni Wade na tinawag pa niyang espesyal ang araw na ito.
“What a terrific day, the last 24 hours and then to culminate in a win like this after five straight losses, it’s what our organization needed for the moment,” ani Spoelstra. “Obviously it was special to have Dwyane back in uniform, back on our side in front of the home fans.
Hindi pa bahagi ng starting line-up si Dwayne at ipinasok siya sa kalagitnaan ng first quarter.
Nagtapos siya sa game ng tatlong puntos mula sa 1-of-6 shooting, nagtala rin siya ng dalawang assists, isang rebound, isang block at apat na turnovers sa loob ng 22 minutes of play.
Nabitin naman ang mga fans nang hindi na ibalik sa court si Wade bunsod upang isigaw nila ang mga salitang “We want Wade!”