BAGUIO CITY – Ipinaalala ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. Gen. Noel Clement sa mga kadete ng Philippine Military Academy (PMA) ang hindi pag-tolerate ng mga ito sa mga injustices na nangyayari sa kanilang akademya.
Aniya, ito ang mandato ng mga kadete na nakalahad sa kanilang Honor Code.
Maliban aniya sa sagradong Honor Code ay moral duty ng mga kadete at mga graduates nito na protektahan ang kanilang alma mater.
Aniya, ang pinakamabuting paraan para protektahan ang kanilang alma mater ay ang palaging paggawa ng tama.
Iginiit niya na hindi dapat matakot magsalita ang mga kadete kung may nangyayaring insidente ng injustices dahil kahit kailan ay hindi naging tama ang pagmaltrato.
Sinabi ni Clement na hindi lamang ang kapasidad na magtiis sa mga stress at pressure ang kaisa-isang determinant ng isang ‘snappy cadet’ dahil ang pagiging isang mabuting sundalo at lider ay nangangailangan ng higit pa sa endurance at tolerance of pain.
Ayon sa kanya, ang yardstick na dapat na sundan ng mga kadete ay naka-angkla sa prinsipyo, sense of justice, pagmamahal at serbisyo sa bansa at sa mga kapwa Pilipino.