Tahasang pinalagan ng kampo ni Vice Pres. Leni Robredo ang panibagong alok ng Malacanang na bigyan ng pwesto sa gabinete ang bise para tutukan ang war on drugs campaign ng pamahalaan.
Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez, mula nang umupo ito bilang bise presidente noong 2016 ay makailang beses na silangnagbato ng mungkahi kung paano mapapabuti ng gobyerno ang kampanya kontra iligal na droga.
Pero ilang beses din daw itong hindi pinansin ng pamahalaan.
“As early as 2016, VP Leni engaged with DILG and other agencies to give suggestions on how to improve government efforts against illegal drugs. Her inputs were not acted on, and the admin excluded her from further discussions soon after,” ani Gutierrez.
Nilinaw ni Gutierrez na handang tumulong ang pangalawang pangulo sa naturang kampanya kung dadaanin ito sa maayos na usapan ng Palasyo at hindi idadaan sa aniya’y palabas sa media.
Hindi raw maatim ni Robredo na ginagamit siya at sinisisi sa umano’y pagkukulang ng administrasyon sa nakalipas na tatlong taon, gayundin ang pagkabigong matupad ang pangakong pagsugpo sa illegal drugs sa loob ng anim na buwan.
“Handa naman laging tumulong si VP Leni. Mula noon hanggang ngayon. Kung humihingi na ng saklolo ang Pangulo sa usapin ng “drug war,” daanin lang sana sa maayos na usapan — hindi sa text, hindi sa palabas sa media.”
“What she will not stand for is being made a scapegoat for all the shortcomings of the “drug war” for the past three and a half years. This admin made the impossible promise to end crime and drugs in six months, and if they are now being called to account for their failure to deliver, they should not blame VP Leni for it.”
Sa huli, nagpaabot ng panalangin ang kampo ni Robredo kay Pangulong Duterte para umano makapag-pahinga ito at nang hindi nagbabato ng tirada ngayong panahon kung kailan nagninilay-nilay karamihan dahil panahon ng Undas.
“Finally, it is unfortunate that on the eve of one of our most holy days, a time for family and for prayer, the President is launching yet another tirade against VP Leni. Siguro, pagod lang talaga at masama ang pakiramdam. Makapagpahinga sana siya ngayong Undas.”