Binigyang-diin ng World Health Organization (WHO) ang kahalagahan ng COVID-19 testing kahit may ipamamahagi ng bakuna laban sa deadly virus.
Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Gheybreyesus ang coronavirus testing ay siyang pinaka-epektibong pamamaraan upang makontrol ang pagkalat ng virus.
Sinabi nito na kahit may vaccine, hindi maaaring kalimutan ang mahalagang papel sa pagpapatuloy ng testing.
Dagdag pa nito na ang mga health workers at mga matatanda ang siyang priority sa vaccination kung kaya’t kikilos pa rin ang virus.
Gayunpaman, binigyang diin din ni Tedros na kahit mahalaga, ang testing ay bahagi lamang ng diskarte laban sa COVID-19.
Sinabi niya, ang testing ay ang spotlight na nagpapakita kung nasaan ang virus.
Ang mga pamumuhunan sa gagawing testing ay dapat na katugma ng mga pamumuhunan sa mga isolation facilities, clinical care, protecting health workers, contact tracing, cluster investigation at pagsuporta sa mga quarantine. (with report from Bombo Jane Bunas)