-- Advertisements --

Hinimok ni Interior Sec. Eduardo Año ang mga mambabatas na bumalangkas ng mga panukala na magtatakda ng mga bilangguan na para lamang sa mga radikal at teroristang naaaresto.

Sa pagharap ni Año sa Senate committee on national defense and security, inamin nitong problema ng Bureau of Jail Management and Penology ang pagkustodiya sa mga sangkot sa terorismo dahil sa limitadong jail facilities.

Aniya, kung nagkakasama-sama ang mga radikal na militante, mas malaki ang tiyansang lumakas pa ang puwersa ng mga ito kahit nakakulong.

Sinang-ayunan naman ni Sen. Panfilo Lacson ang pananaw ni Año.

Kaya nais daw nilang pag-aralan ang kagaya ng kulungan sa Australia na may “super max” na nakalaan lamang sa may mabibigat na kaso at hindi nahahaluan ng ibang preso.