-- Advertisements --

Inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang ‘wag pataksaya’ hotline para mabilis na matugunan ang problema sa tubig.

Ayon kay DENR Undersecretary for Integrated Environmental Science at concurrent Water Resources Management Office (WRMO) Head Carlos Primo David, ang naturang hotline ay isang automated system na magsisilbing tulay para agad na maiparating ng mga konsyumer ang kanilang concern sa tubig sa kanilang water service providers (WPS).

Ang WRMO, na nangungunang coordinating body ng water sector, ang maaaring magparating ng concerns sa kaukulang mga ahensiya kabilang ang Metropolitan Waterworks and Sewerage Systems (MWSS) for Metro Manila, Water Districts for regional towns, at National Water Resources Board for private WSPs.

Maaaring idulog ng mga konsyumer ang mga isyu sa billing hanggang sa water interruptions sa pamamagitan ng pagfill-out ng National Water Service Online Form saka mabibigyan ng tracking number para sa status updates ng kanilang concern.

Bagamat nilinaw ni USec. David na hindi direktang nagsasagawa ng repairs ang WRMO at binigyang diin ang papel nito ay mag-facilitate para matiyak na makakarating ang mga reklamo sa kaukulang mga awtoridad para sa agarang solusyon.