Magsasagawa ng public hearing ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) Central Luzon, bilang bahagi ng patuloy na pagsusuri sa minimum wage sa rehiyon.
Ang pagdinig ay magaganap sa Setyembre 16, 2024, 1:00 PM, sa Heroes Hall Mini Convention Center, Lazatin Blvd., Brgy.San Juan, City of San Fernando, Pampanga.
Dito ay inaasahang magiging kabahagi ang mga stakeholders mula sa pitong probinsya sa rehiyon.
Ayon kay board secretary Kenneth Liza, ang hanay ng mga manggagawa at employers ay hangad nilang na aktibong lumahok.
Ang aktibidad na ito ay nag-aalok ng mahalagang pagkakataon para sa magkabilang panig para ipahayag ang kanilang mga concerns.
Ang mga input na makukuha ay susuriin at ikokonsidera para sa magiging desisyon ng board.
Nais din umano nilang bigyang-diin na ang umiiral na socio-economic status ang pangunahing basehan ng pagsusulong ng dagdag sahod para sa hanay ng mga manggagawa.
Para sa karagdagang impormasyon, maaari umanong makipag-ugnayan sa 0918-253-7930 or (045) 649-1048, o email: rb3@nwpc.dole.gov.ph o rtwpb3@yahoo.com.ph.