-- Advertisements --
workers

Hinimok ng dalawang business leaders ng Pampanga ang pamahalaan na aprubahan ang double daily minimum wage at palawigin ang suporta sa agriculture sector.

Ito ay upang ma-minimize ang epekto ng inflation at banta ng food security sa taong ito.

Ayon sa former president ng Pampanga Chamber of Commerce and Industry (PamCham) na si Renato Romero, dapat aniya taasan ang sweldo ng mga manggagawa sa P1,000 hanggang P1,500.

Dagdag pa nito, nasa kalagitnaan na tayo ng pagbangon mula sa pandemya ng COVID-19 at iba pang pagkagambala.

Ang 2024 aniya ang final transition year ng mga nasa food and manpower business sa Luzon at Visayas.

Kung maalala, itinaas ng Wage Order No. 23 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang pinakamababang sahod noong Enero 1 mula P344 hanggang P409 sa lalawigan ng Aurora at mula P435 hanggang 460 sa anim pang lalawigan ng Central Luzon.