Namataan na nasa Russia ang lider ng Wagner private military group na si Yevgeny Prighozin sa unang pagkakataon mula ng i-abort ng kaniyang grupo ang armed rebellion laban sa militar ng Russia noong nakalipas na buwan.
Nakuhanan ng larawan si Prigozhin sa may St. Petersburg kung saan nakipagkamayan ito kay Ambassador Freddy Mapouka, isang senior official sa Central African Republic (CAR) sa sidelines ng Russia Africa summit.
Ang naturang dignitary ay parte ng delegasyon ng Central African Republic sa naturang summit.
Nakita ang dalawa sa may Trezzini Palace Hotel sa St. Petersburg kung saan mayroon umanong opisina si Prighozin. Isa rin ang naturang hotel sa lugar na ginalugad ng Russain authorities noong Hulyo 6 matapos ang rebelyon.
Ang presensiya ni Prigozhin sa Russian summit ng African leaders na pinangunahan ni Russian President Vladimir Putin ay posibleng may kinalaman sa malawak na saklaw ng operasyon ng Wagner group sa iba’t ibang mga bansa sa Africa kabilang na ang Central African Republic, Libya, Mali, Sudan, Mozambique at Burkina Faso.