-- Advertisements --

Pinaninindigan pa rin hanggang ngayon ng bansang Iran na wala silang drone o unmanned aerial vehicle na pinabagsak ng warshio ng Amerika sa bahagi ng Strait of Hormuz.

Ginawa ni Iranian Foreign Minister Mohammad Javad Zarif ang pahayag kasunod nang anunsiyo ni US President Donald trump na ang tumira sa drone ng Iran ay ang USS Boxer.

Liban dito nangantiyaw pa si Abbas Araghchi, ang Iranian deputy foreign minister na baka naman ang tinira ng amphibious assault ship ay sa Amerika rin.

“We have not lost any drone in the Strait of Hormuz nor anywhere else. I am worried that USS Boxer has shot down their own UAS [Unmanned Aerial System] by mistake!” pahayag ng opisyal sa twitter. 

Una nang nagpaliwanag si Trump na ang ginawa ng kanilang Navy ay pagdepensa lamang sa sitwasyon dahil sa nanganganib ang buhay ng mga crew na sakay ng aricraft carrier.

Nagbanta naman ang pinuno ng Revolutionary Guard Hossein Salami sa sinumang bansa na aatake sa kanila.

“Iran has adopted a defensive strategy but if our enemies make any mistakes… our strategy can become an offensive one,” ani Salami sa pahayag sa semi-official Tasnim news agency.