-- Advertisements --
Dumipensa ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa alegasyong napupunta sa kanilang malalaking sahod at bonuses ang pondo ng tanggapan.
Tugon ito ni MWSS Administrator Reynaldo Velasco sa banta ng ilang senador na sibakin sila dahil sa kawalan ng sapat na aksyon sa water crisis.
Puna pa ng mga mambabatas, dapat magtalaga ng mga tunay na ekperto at hindi ang mga abogado o retiradong men in uniform na walang sapat na kasanayan sa mga ganitong problema.
Ayon kay Velasco, P20,000 hanggang P40,000 lamang ang natatanggap ng mga opisyal ng MWSS sa loob ng isang buwan.
Hindi rin umano sila magmamatigas na bumaba sa pwesto kung ito ang magiging solusyon sa problema at kung ano ang magiging pasya ng kanilang appointing authorities.