-- Advertisements --

Huling laban na muna para sa taong 2019 ang panalo ni Sen. Manny Pacquiao kay American boxer Keith Thurman.

Ito ang sinabi ni Pacman, kasunod ng pgbabalik niya sa Senado, matapos ang ilang linggong pananatili sa ibang bansa.

Ayon kay Pacquiao sa panayam ng Bombo Radyo, focus muna siya sa mga trabaho bilang senador.

Aminado din itong tumibay ang kaniyang paniniwalang kaya pang ng ilang laban bago ang pagreretiro.

Ipinauubaya naman ni Pacman sa promoter ang paghahanap ng susunod niyang makakatunggali, dahil handa raw siya kahit sino ang makalaban sa ibabaw ng ring.

Minaliit nito ang natamong mga pasa at black eye sa laban kay Thurman, aniya simple lamang na pinsala iyon at mas ramdam niya ang excitement sa trabaho sa Senado kaysa sa pananakit ng katawan.