-- Advertisements --
atty neri colmenares

NAGA CITY – Kinumpirma ni Atty. Neri Colmenares, chairman ng Bayan Muna na wala pa sa kanyang nakakarating na subpoena mula sa Department of Justice (DOJ).

Ito’y may kaugnayan sa reklamong isinampa laban sa kanya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil sa umano’y pagkawala ng ilang menor de edad sa Southern Luzon na sinasabing na-recruit ng mga rebeldeng grupo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Colmenares, sinabi nitong nakita lamang niya ang laman ng dokumento sa social media kung saan nakalagay dito na naging supporter niya ang naturang mga estudyante.

Kaugnay nito, umalma naman si Colmenares sa pagsasabing paano siya nasasangkot sa kidnaping kung nagsusuporta lamang sa kanya ang ilang mga kabataan.

Aniya, nagyayari ito dahil isa siyang oposisyon, ngunit kung hindi pro-Duterte siya ay hindi naman aniya siya makakasuhan.

Samantala, nagpaabot naman ng mensahe si Colminares sa mga magulang ng mga estudyanteng sumasama sa mga oposisyon na huwag magpagamit sa kapulisan.