-- Advertisements --

tawi1

Kinumpirma ni AFP Chief of Staff Lt.Gen. Cirilito Sobejana na wala ng hawak na hostages ngayon ang Abu Sayyaf Kidnap for ransom group.

Ito’y matapos marescue ng mga otoridad sa Tawi-Tawi ang apat na Indonesian hostages na dinukot nuong buwan ng Enero taong 2020 sa kagaratan ng Lahad Datu sa Sabah, Malaysia.

” Nakuha namin yung apat na mga Indonesians na kidnap victims na narescue natin mula nuong isang araw at madaling araw ng linggo nakakuha tayo ng additional, sa ngayon kumpleto na wala ng kidnap victims na hawak ang mga Abu Sayyaf,” pahayag ni Sobejana.

Ayon kay Sobejana , na nasa pangangalaga ng militar si Suhud Salasim alias Bin Wagas na kasalukuyang sumasailalim sa tactical interrogation.

Dahil sa matagumpay na rescue operations sa mga bihag, napatay sa enkwentro si ASG leader Majan Sahidjuan alias Apo Mike habang arestado naman sina ASG sub-leaders Suhud Salasim alias Bin Wagas at Bensar Jakari alias Enjemar Mankabong.


Pinuri ni AFP Chief of Staff ang pamunuan ng Western Mindanao Command dahil sa matagumpay na pag rescue sa mga natitirang bihag ng Abu Sayyaf.


Bukas, nakatakdang i-turn over ng militar sa Indonesian goverment ang apat na dating bihag na kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP.

suhud


Samantala, batay sa record ng PNP CIDG si Jakari ay mayruong anim na warrant of arrest for Kidnapping and Serious Illegal detention with Ransom.

Habang si Salasim ay mayruon din pitong Warrant of Arrests for Kidnapping and Serious Illegal Detention with Ransom.

Ayon kay PNP OIC Lt.Gen. Guillermo Eleazar kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP sina Salasim at Jakari para sa kaukulang documentation and investigation.

suhud1

” Manhunt operations for other members of this terror group is being done by the police operatives in coordination with our Army counterparts to end their criminal activities in Mindanao,” pahayag ni Eleazar.