Tiniyak ni Environment Secretary Roy Cimatu na walang ng mangyayaring overcrowding sa pinakakaguluhang Manila Bay dolomite beach.
Ginawa ni Cimatu ang pahayag matagal na kanyang alisin ang ground commander ng Manila Baywalk Coordinating Office at ipinalit si retired Army Gen. Reuel Sorilla.
Paiimbestigahan din daw ng kalihim kung papaano pinayagang makapasok ang umaabot sa 121,000 na mga bisita nitong nakalipas na Linggo o Oktubre 24 na lampas na sa itinakda ng IATF.
Kaugnay nito, ilang mga pagbabago na ang isasagawa ng DENR upang maiwasan na maging super spreader area ang dolomite beach.
Kabilang na ang pagbabawal sa mga edad 11-anyos pababa na makapasok sa lugar, pagkakaroon ng appointment-based system, contact tracing mandate at ang pansamantalang pagsasara sa dolomite beach simula bukas.