Tiniyak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief C/Supt. Guillermo Eleazar na wala nang gagawing pag-aresto na gagawin sa mga tambays.
Sinabi ni Eleazar naglabas na siya ng direktiba sa lahat ng kaniyang mga district directors na hindi aarestuhin ang mga tambays na wala namang nilalabag na mga city o municipal ordinances.
Giit ni Eleazar may guidelines ng inilabas ang PNP ukol sa tambay, na hindi puwedeng arestuhin ang mga indibidwal na pagala-gala sa kalye na walang nilalabag na ordinansa.
Pagtiyak ni Eleazar, mahigpit pa ring ipapatupad ng PNP ang mga umiiral na mga local ordinances gaya ng pag-inom sa mga public places, paninigarilyo sa pampublikong lugar at paglalakad sa kalye na half naked.
Aniya, hindi aarestuhin ng PNP ang mga menor-de-edad na lumalabag sa curfew kapag kasama nito ang kaniyang magulang o may kasamang adult.
Paliwanag naman ni Eleazar, may mga ticket na ibibigay ang pulis sa mga lumalabag sa mga local ordinances na kanilang babayaran sa city hall.
Ang hakbang ngayon ng PNP ay kasunod na rin nang pag-tanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kaniyang ipinag-utos na arestuhin ang mga tambays.
Ayon sa Pangulo, ang utos niya sa PNP ay sitahin lamang ang mga tambay.