Iginiit ni infectious disease expert Dr. Edsel Salvaña na walang pa sa ngayong nakikitang indikasyon ng local transmission ng Omicron subvariant na BA.2.12.1 sa Pilipinas.
Bagamat posible aniya lalo na lumalabas sa kasalukuyang mga datos na ang COVID-19 Omicron subvariant BA.2.12.1 ay 20% na mas nakakahawa kumpara sa BA.2.
Paliwanag ni Dr Salvana na kadalasan aniya para masabing may local transmmission partikular na ang tinatawag na sustained local transmission, tinitignan aniya ang transmission chains at sinusuri kung kayang itong matrace.
Pero mas mabuti aniya na ngayon pa lamang ay ituring ng nasa komunidad ang variant upang ipagpatuloy ang pag-iingat.
Maaalala kamakailan, iniulat ng DOH na nadetect na sa Metro Manila ang BA.2.12.1 at sa Puerto Princesa sa Palawan.