-- Advertisements --
Taal Volcano

Inamin ni Phivolcs director at DOST Usec. Renato Solidum na wala pa silang nakikitang indikasyon maaari ng ibaba ang alert status ng Bulkang Taal sa susunod na mga araw.

Sa press briefing sa MalacaƱang, sinabi ni Dr. Solidum na mananatili pa sa alert level 4 dahil sa patuloy na pressure at pag-angat ng magma kaya namamaga pa rin ang bulkan.

Ayon kay Dir. Solidum, ito ang dahilan ng mga nararanasang paglindol sa ilang bahagi ng Batangas na malapit sa bulkan.

Kaya inihayag ni Dir. Solidum na hindi pa maisasantabi ang posibilidad ng malakas na pagsabog anumang oras.

renato solidum Phivolcs
Phivolcs director and DOST Usec. Renato Solidum

“Such intense seismic activity likely signifies continuous magmatic intrusion beneath the Taal edifice, which may lead to further eruptive activity,” bahagi ng huling advisory ng Phivolcs. “Alert Level 4 remains in effect over Taal Volcano. This means that hazardous explosive eruption is possible within hours to days.’