Iniulat ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde na wala pang mga kakandidato ang nagrequest ng police escorts sa PNP.
Ayon sa PNP chief, maari nilang bigyan ng dalawang police escorts ang mga kandidatong makakapagsumite ng kumpletong requirements, pero prayoridad aniya nila ang mga may seryosong banta sa kanilang buhay.
Hindi naman kasi aniya pwedeng mabigyan lahat dahil kakailanganin din ng PNP ang kanilang mga tauhan para mapanatili ang seguridad sa nalalapit na 2019 midterm elections.
Samantala, wala paring pulis ang naghahain ng certificate of candidacy.
Una nang sinabi ni PNP spokesman C/Supt Benigno Durana na kung meron mang pulis na tatakbo sa halalan sa susunod na taon, ay automatiko itong “considered resigned†sa serbisyo.
Pero mas mabuti na aniya na kusang magsumite ng resignation papers ang mga pulis na kakandidato para maiwasan ang kanilang posibleng pag disqualified sa halalan.