-- Advertisements --
lamitan city basilan yumol
Lamitan City, Basilan

(Update) BUTUAN CITY – Wala pa umanong lead ang Lamitan City Police Station sa responsable sa pagbaril-patay kay retired police officer Rolando Yumol, ang ama ng suspek sa pamamaril-patay ng tatlong katao sa Ateneo de Manila University-Quezon City Campus na si Dr. Chiao Tiao Yumol.

Sa eksklusibong interview ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Lamitan City police officer-in-charge Lt. Col. Tadzhabel Managola, sinabi nito na kalalabas lamang mula sa kanilang bahay ng biktima nang pagbabarilin ito ng riding-in-tandem suspects kung saan nagtamo ito ng apat na tama ng mga bala sa kanyang likod.

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead-on-arrival.

Narekober din nila sa crime scene ang apat na basyo ng kalibre .45 na pistola.

Nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon upang malaman din ang motibo ng krimen kung saan kasama sa kanilang aalamin ang posibleng koneksyon nito sa pagbaril-patay Dr. Yumol kay dating Lamitan City Mayor Rosita Furigay, sa assistant nito at nadamay pa ang isang security guard na nadamay.