Kinalampag ng Malacañang ang management ng LRT na resolbahin ang problema sa kanilang operasyon matapos pumutok ang power rectifier ng LRT line 2.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat ayusin ng LRT ang problema sa lalong madaling panahon.
Pero ayon kay Sec. Panelo, naniniwala siyang hindi pa nakararanas ngayon ang bansa ng mass transport crisis.
Ayon kay Sec. Panelo, ang nakikita niyang problema sa ngayon ay ang matinding sitwasyon ng trapiko.
Iginiit ni Sec. Panelo na hindi maituturing na krisis ang nararanasan ngayon ng mga pasahero dahil nakakasakay pa naman ang karamihan sa iba pang uri ng pampublikong transportasyon at nakakarating sa kanilang destinasyon.
Pinayuhan pa ni Sec. Panelo ang mga mananakay na agahan ang pag-alis para makarating ng maaga sa mga pupuntahan.