-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Patuloy na naka-monitor sa Haiti ang Department of Labor and Employment (DOLE) para malaman ang kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) Pilipino roon matapos ang 7.2 magnitude na lindol.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na wala pang silang natanggap na report na may Pilipino na nadamay sa lindol sa Haiti.
Tinatayang aabot aniya sa 5,000 ang Pilipino sa naturang bansa at karamihan sa kanila ay mga hotel at agricultural workers.
Ayon kay Secretary Bello, awtomatik na magbibigay ng tulong ang DOLE at Department of Foreign Affairs (DFA) sakaling may Pilipinong nasugatan o nasawi sa pagguho ng mga gusali sa naganap na lindol sa naturang bansa.