![image 17](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2022/10/image-17.png)
Sinabi ng Philippine Embassy sa Washington, DC na wala pa silang natatanggap na ulat ng mga Pilipinong nasawi sa Florida dahil sa Hurricane Ian.
Matatandaan Nag-landfall ang Hurricane Ian sa Florida noong Miyerkules ng hapon (oras sa US) at nagdulot ng malawakang pagkawasak sa Cuba.
Tatlumpu’t isang tao ang namatay dahil sa Hurricane Ian, ngunit nagpapatuloy ang search and rescue operation sa mga lugar na lubhang nasalanta.
Dahil nagdulot nga ito ng pagkawala ng kuryente at pagbaha at natumbang mga linya ng kuryente.
Sinabi ng Philippine Embassy na binabantayan nito ang sitwasyon ng 167,000 Filipino na naninirahan sa Florida.
Kasalukuyan umano itong sinusubaybayan sa southern Virginia na papunta sa silangan-hilagang-silangan
ngunit wala nang banta ang Post-Tropical Cyclone Ian at inaasahang mawawala sa Linggo. (report from Bombo Chill Emprido)