-- Advertisements --

Walang Filipino ang nasawi o nasaktan sa nangyaring malawakang pagbaha sa Dubai, United Arab Emirates.

Kinumpirma ito ng Department of Migrant Workers (DMW) base na rin sa pakikipag-ugnayan nila sa mga opisyal doon.

Lumalabas sa datus nila na mayroong 421,686 na mga Filipinos ang nasa Dubai base sa record mula pa noong Hunyo 2023.

Pagtitiyak naman nila na naghahanda ang mga migrant workers sa mga opisina sa Dubai at Abu Dhabi ng mga pagkain at ilang mga kakailanganin na ipapamahagi sa mga overseas Filipino Workers.