Ideniklara nang Pangulong Rodrigo Duterte na kailanman ay wala ng aasahan pa na tigil-putukan ang New People’s Army (NPA) sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kanyang address to the nation nitong Lunes ng gabi, kasunod na rin nang panukala ng Armed Forces of the Philippines na ‘wag magdediklara ng Christmas ceasefire sa kumunistang grupo.
Kasabay nito, inungkat din ng Presidente ang pag-atras nya sa peace negotiations sa CPP-NPA-NDF.
“There will be no ceasefire ever again under my term ko pagka-presidente,” ani Duterte. “I would say the ceasefire is dead and the peace talks between the NDF, NPA, pati ’yong isali na rin natin legal front nila. Pati kayong lahat, I am identifying you because I have seen the records. You are really communists.”