-- Advertisements --

DAVAO CITY – Inihayag ni Police Col. Alexander Tagum, director ng Davao City Police Office (DCPO) na walang ipapatupad na baggage counter sa mga simbahan ito ay para sa seguridad ng mga tao ngayong holy week.

Muling nagpaalala ang opisyal sa publiko na mahigpit nilang ipapatupad ang no backpack policy sa mga simbahan bagkus ay pinaalalahanan nito ang mga magsisimba na mas mabuting magdala lamang ng coin purse para maiwasan ang mahigpit na inspeksiyon.

Ayon pa kay Tagum, layunin ng nasabing hakbang na hindi makalusot sa lungsod ang mga masasamang loob kayat humihingi ito ng paumanhin sa mga magsisimba.

Samantalang una nang inihayag ni Angel Sumagaysay, head ng Paublic Safety and Security Command Center (PSSCC) na tututokan nila ang seguridad ng mga simbahan dahil ito ang target ng mga ISIS inspired group gaya na lamang ng nangyari sa Jolo Cathedral na ikinamatay ng maraming sibilyan.