Hindi na bago para sa Philippine Navy ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga barko ng China sa WPS.
Ayon kay Navy spokesman for the WPS Commodore Roy Vincent Trinidad, ang presensya ng China sa naturang lugar ay tuloy-tuloy at tanging ang bilang ng mga barko nila roon ang tanging nagbabago.
Una rito ay naglabas ng statement si US maritime law expert Ray Powell ukol sa lalo pang pagtaas ng bilang ng mga barko ng China sa ibat ibang lugar sa WPS katulad ng Rozul Reef na may namataang 26 ships mula sa dating pito lamang noong Abril.
Ayon kay Trinidad, hindi na nagugulat ang Phil Navy sa patuloy na pagpasok ng mga barko roon dahil palagi naman itong ginagawa ng naturang bansa.
Ang mahalagang usapin aniya ay hindi dapat malingat ang publiko at magpokus sa tunay na isyu at ito ay ang intensyunal na pagpasok ng China sa teritoryo ng Pilipinas.
Ayon kay Powel, mahalagang mabantayan ang naturang isyu dahil sa maliban sa panghihimasok ng China sa teritoryo ng Pilipinas at gumagawa ng mga ilegal na aktibidad ay patuloy din ang umano’y paggawa nila ng ibang kwento upang malingat lamang ang mga Pilipino.
Dahil dito ay hinimok ng opisyal ang publiko na huwag paniwalaan ang aniya’y naratibong binubuo ng China, kabilang na dito ang pangangailangan pang magpaalam bago pumasok sa teritoryong sakop ng Ayungin Shoal.
Ayon kay Trinidad, pag-aari ng Pilipinas ang naturang teritoryo, pasok sa Exclusive Economic Zone na pinapanindigan ng pamahalaan.