-- Advertisements --
Nilinaw ng Department of Health (DoH) na walang katotohanan ang mga impormasyon na nagsasabing may bagong strain o uri ng sakit na dengue na mas mabilis kumalat.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, wala silang natukoy na bagong uri ng virus mula sa mga sinuring dugo ng mga biktima.
Giit ng DoH, dati nang umiiral ang tatlong klase ng dengue sa Pilipinas mula pa noong mga nakaraang taon.
Hindi rin umano totoo ang impormasyong may “mutant” na mga lamok na hindi tinatablan ng mga karaniwang insecticide.
Paliwanag ng DoH, wala pa ring eksaktong gamot sa dengue kaya tumataas ang bilang ng mga biktima nito.
Payo ni Domingo, panatilihin pa rin ang paglilinis para mawala ang breeding area ng mga lamok at iba pang mapanganib na insekto.