Posibleng walang bagyong papasok sa Pilipinas hanggang matapos ang Enero 2025, batay sa pagtaya ng state weather agency.
Ito ay sa kabila ng pag-iral ng tatlong weather system sa bansa – shear line, easterlies at northeast monsoon o hanging amihan.
Bagaman maghahatid ng mga pag-ulan at posibleng pagbaha sa ilang lugar ang tatlong weather system, hindi inaasahang may mabubuong bagyo sa loob o labas ng bansa hanggang sa pagtatapos ng buwan ng Enero na maaring magpalala sa epekto ng umiiral na weather system.
Sa kasalukuyan, nananatiling apektado ng shear line o salubungan ng mainit at malamig na hangin ang Bicol Region at Eastern Visayas na nagdadala ng malawakang pag-ulan at mga pagkulog sa ito.
Nakaka-apekto naman ang easterlies sa Dinagat Islands, Surigao del Norte at Surigao del Sur, pawang mga probinsya sa Mindanao.
Nananatili namang nakaka-apekto sa Northern Luzon at Metro Manila ang amihan na magdadala ng malamig na temperatura sa maraming mga probinsya.